BLOGS

Pinakaangkop at natatanging Proyekto sa Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020.

 

Isa ka na rin ba sa na nahumaling sa tinig ng Ibong Adarna?

Naalala mo pa ba ang wagas at tapat na pagmamahalan nina Florante at Laura? Minsan ka na rin bang naantig sa mga kaganapan sa Noli Me Tangere? O di kaya’y namangha sa tunay na pagkatao ni Simoun sa El Filibusterismo? Kung hindi pa ay marapat lamang na buksan mo ang iyong isipan at mag umpisahang mahalin at pahalagahan ang ating panitikan na sadyang gigising sa iyong guni – guni at magpapatatag sa iyo bilang isang Pilipino.

 

Sa mga nakalipas na taon, ang mga mag– aaral ng ating paaralan ay may kanya– kanyang talentong ipinamalas sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. May umawit, sumayaw, gumuhit, nagkuwento, nagtula, umarte at higit sa lahat sama - samang nagdaos ng selebrasyon ang mga guro, magulang at mag – aaral.

Ngayon, sa panahon ng pandemya, ang mga mag – aaral ng baitang 9 ng Ville St. John Academy ay hindi pa rin nagpahuli sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020, na may temang "Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.

Sila ay gumawa ng bidyu na nagpapakita ng pagmamahal, pagpapahalaga, o pagtangkilik sa ating wika. Ang bawat isa ay masining at makabuluhang gumawa ng bidyu upang maipamalas nila ang pagkamalikhain at pagtangkilik sa ating sariling wika.

 










VILLE ST JOHN ACADEMY

Maharlika Ave. Phase 5 Marcelo Green Village, Parañaque City
Tel. 8982 – 0329 (Accounting Office)
Telefax. 8821 – 7147 (Principal’s Office)

Copyright © 2019 Ville St. John Academy. All rights reserved.
School Institution Terms of Use and Data Privacy Policy


AFFILIATIONS

PAASCU Accredited

Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities

CEAP Member

Catholic Educational Association of the Philippines